215 NPA surrenderees, binigyan ng welcome ceremony sa Camp Aguinaldo

By Mar Gabriel
Eagle News Service

 

MANILA, Philippines (Eagle News) — Aabot sa mahigit 200 mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang dumalo sa welcome ceremony sa Camp Aguinaldo noong Miyerkules.

Mismong si AFP Chief of Staff Gen. Rey Guerrero ang nanguna sa programa kung saan sumailalim din sa maiksing orientation ang 215 na dating rebelde.

Sila ay bahagi ng first batch ng kabuuang 683 na NPA surrenderees mula sa Davao Region at Compostela Valley na iniharap sa Pangulo noong Disyembre 21.

Isa sa kanila si alyas Jaylord na tatlong taong naging political instructor ng NPA.

Una raw syang pumasok sa grupo noong 2014 matapos isyang maengganyo sa pangakong tulong gaya ng libreng edukasyon at suporta sa kanyang pamilya.

Nasa 50 long at short firearms din ang kanilang isinuko, na binayaran naman ng gobyerno ng tig P20,000-P50,000 kada baril.

Ayon kay 701st Brigade Commander BGen. Reuben James Basiao, sa halos 700 sumuko, nasa 40 ang qualified at nagpahayag ng kagustuhang sumali sa AFP.

Ayon kay Gen. Basiao, inaasahan nila na mas marami pang NPA ang susuko sa mga susunod na buwan dahil sa programa sa kanila ng gobyerno.

Bukod sa mga armadong miyembro, sumusuko rin sa gobyerno ang mga komunidad na dating sumusuporta sa mga komunista.

Related Post

This website uses cookies.