(Eagle News) — Aabot sa 22,000 kaban ng smuggled na bigas ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa dalawang sasakyan sa karagatang sakop ng Tamuk Island, Basilan.
Ang nasabing barko ay namataan habang nagsasagawa ng maritime patrol sa lugar.
Agad inispeksyon ng coastguard ang barko at natagpuan ang sampung libong bag ng smuggled na bigas nang walang kaukulang dokumento.
Ang mga nasabing sasakyang pandagat ay ang M/L “Overseas” at M/L “Nadeepa”.
Agad hinuli ang dalawang barko at dinala sa Zamboanga City Port at itinurn-over sa lokal na sangay ng Bureau of Customs (BoC).
https://youtu.be/SMKGTWJ1UdU