RAMON, Isabela (Eagle News) – Tuwang-tuwa ang mga magsasaka na nabiyayaan ng bagong handtractors mula sa Bottoms Up Budgeting Fund na ipinamahagi ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Ramon, Isabela. Isinagawa ang awarding sa mga recipient ng handtractors sa mismong Flag Ceremony na pinangunahan ni Mayor Jesus D. Laddaran, Vice Mayor Melvin G. Cristobal at ilang mga kagawad at mga kapitan ng 19 Barangays.
Ayon kay Vice Mayor Cristobal, dumaan sa masusing deliberasyon ang pagpili sa mga karapat-dapat na makatanggap ng nasabing handtractors.
Pumirma ang mga magsasaka ng isang Memorandum of Agreement sa opisina ng Sangguniang Bayan upang matiyak na hindi ito ibebenta sakaling maiuwi na nila ang mga ito.
Binalaan naman ni Punong Bayan Jesus Laddaran ang mga kapitan ng mga barangay na hindi nila pwedeng bilihin ang handtractors sa mga mahihirap na magsasaka.
Ayon pa kay Mayor Laddaran, nakakahiya di-umano kung isa kang lingkod bayan, ikaw pa ang makikinabang sa mga biyaya na para sa mga mahihirap.
Lanie Rasos-Romero – EBC Correspondent, Ramon, Isabela