24 barangay sa Ormoc, idineklarang drug-free

ORMOC City, Leyte (Eagle News) — Mahigit 20 na barangay ang idineklarang drug-free sa Ormoc.

Idineklarang drug-cleared ang 24 na barangay matapos madeklarang malinis din ang siyam na barangay sa bayan naman ng Tubod sa Surigao Del Norte.

Sumunod sa yapak ng siyam na barangay ang Brgy. Ipil, Alta Vista, District 26, District 19, District 17, District 1, Can-untog, Cogon, District 16, Brgy. Airport, Salvacion, Tambulilid, R.M Tan, Naungan, San Isidro, Curva, Punta, Don Felipe Larrazabal, Alegria, San Jose, Linao, Hibunaon, Valencia at Brgy. Monterico.

Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency ang kawalan ng presensya ng drug pusher, drug den at drug manufacturing sa mga lugar na ito.

(Eagle News Correspondent Kimberly)

Related Post

This website uses cookies.