MANILA, Philippines (Eagle News) — Imumungkahi ng Department of Budget and Management (DBM) na isulong ang non-stop o 24-hour construction sa mga urban projects.
Pahayag ito ni Budget Sec. Benjamin Diokno kasunod na rin ng mga inilatag na programa ng administrasyong Duterte.
Sinabi ni Diokno na base sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA), umaabot sa 2.4 billion pesos ang nawawala sa ekonomiya ng bansa kada araw dahil sa trapiko.
Kabilang sa sanhi ng masikip na daloy ng trapiko ang mga inaayos na kalsada at mga gusaling itinatayo malapit sa lansangan.