25 na miyembro ng ASG, kumpirmadong patay sa Basilan clash

vlcsnap-2016-04-12-20h31m54s145
(File Photo)

(Eagle News) UPDATE — Umakyat na sa 25 ang patay sa panig ng rebeldeng grupong Abu Sayyaf (ASG) sa nagpapatuloy pang opensiba ng militar sa Tipo-Tipo, Basilan na una nang nakabakbakan ng 44th Infantry Batallion noong Sabado, Abril 9.

Kabilang sa mga malubhang nasugatan ang isa sa mga lider ng ASG na si Furugi Indama na kabilang sa mga target ng operasyon.

Kumpirmado naman ang pagkasawi ng Moroccan bomb expert na si Mohammad Khattab, hinihinalang miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS), kung saan isinasailalim na sa imbestigasyon ang mga gamit nito na narekober ng militar .

Samantala, tiniyak naman ni US Ambasador Philipp Goldberg na patuloy ang mahigpit na kooperasyon sa pagitan ng AFP at US Armed Forces para mapigilan ang pagpasok ng ISIS sa bansa.

Sa gitna ng nagpapatuloy na operasyon sa Basilan tuloy tuloy rin daw ang koordinasyon ng.militar sa milf upang maiwasan ang insidenteng nangyari noon sa operasyon ng SAF sa Mamasapano, Maguindanao.