24th National Children’s Month sa Surigao del Sur pinangunahan ng PNP

23878e84-2b95-4069-b110-3bdccb6f9925

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Sa Surigao Del Sur ay binisita ng kapulisan ang mga Pampublikong Paaralan na kanilang nasasakupan kaugnay sa pagdiriwang ng “24th National Children’s Month”. Ito ay may temang “Isulong Kalidad na Edukasyon para sa lahat ng Bata”.

Nakipagdaialogo din ang kapulisan sa mga estudyante, guro at maging mga staff ng mga Pampublikong Paaralan. Dito ay tinalakay nila at ipinaalam ang mga karapatang pantao ng bawat bata, tulad ng anti- bullying act at crime prevention tips na may kaugnayan sa pagpapatupad ng PNP Patrol Plan 2030.

Pagkatapos ng pakikipagdayalogo ay isang feeding program ang ipinagkaloob sa mga bata kasabay din ng pamimigay ng lapis bilang suporta ng ating kapulisan sa adbokasiyang ‘one million lapis’. Ipinamigay din sa mga guro at estudyante ang isang 24/7 alert hotline sticker na maaari nilang tawagan sa panahon ng emergency. Tiniyak naman ng mga Pulis ang mabilis nilang pagresponde.

Issay Daylisan – EBC Correspondent, Bislig City, Surigao del Sur

001d64e4-ed93-4bf4-bc55-f0d3b1d91168 1aa9fe31-d7c8-4cdd-9280-5d185b4162c8 1ff7ca10-3fb6-4354-95d5-112c767fcdad 6ffffc10-7c44-4c77-9e48-2e91fd4384a6 8b9d895d-f91e-450e-a905-0168cce3f52c 16e57b71-f12d-4f5e-97b3-40afd0e23b91 42afaa18-7eae-4ccc-8c12-a8f62917dcdb 360ec29e-2a45-419e-abb1-0e26a7d5cb64 948f2ce2-eee2-47c1-988a-d55e498dd983  23878e84-2b95-4069-b110-3bdccb6f9925 320897c7-7f79-4c78-b9ab-7a1f05a68ec1  bedd504a-8306-4788-ae07-9b4ee9d82d1e c09f6b1e-d5ec-408d-896b-1ce0711c9842 d597aa49-9a35-4332-900e-fd453b4c0506 e818cfa0-9bd6-40af-b27b-5d8d61f1df84 f4dc4e07-3d42-4bd0-be38-dda7d2a3e459