RADJAH BUAYAN, Maguindanao (Eagle News) – Pormal nang itinurn-over ng munisipyo ng Radjah Buayan, Maguindanao ang 25 loose fire arms sa militar.
Ito ay dahil na rin sa patuloy na kampanya ng pamahalaan nG ‘Balik Baril Program.’
Ang iba’t ibang kalibre ng mga baril ay kinabibilngan ng isang caliber 30 machine gun, isang 60 mm. mortar, isang 5.56 m2g ultimax rifle, isang m16 rifle, dalawang m14 rifles, tatlong Garand rifles, dalawang carbine rifles, pitong Barrett sniper rifles, apat na M79 grenade launchers, dalawang shotguns, at isang handmade at Colt rifle.
Ang mga baril ay tinurn over kay Lt. Col. Edgar Catu, commanding officer ng 40th Infantry Battalion.
Sinaksihan naman ito ni Brigadier General Diosdado Carreon, commander ng 601st Brigade.
Batay sa datos ng military, mula January 1 hanggang March 12, 2018, 658 loose firearms na ang narerekober ng Westmincom sa joint area of operations.
Nasa 248 ang isinuko mula Sulu, 221 sa Zamboanga City, 159 sa Central Mindanao, at 30 sa Zampelan.
Ayon kay Lt. Gen. Carlito G. Galvez, Jr., Westmincom commander, lalo nilang pinaiigting ang kampanyang ito ng pamahalaan upang lalong mapababa ang banta ng krimen sa Mindanao lalo pa nga at nalalapit na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.Jun Cronico