25 pang bangkay, narekober sa main battle area sa Marawi City

(Eagle News) — Dalawampu’t limang bangkay pa ang narekober sa main battle area sa Marawi City sa nakalipas na limang araw.

Batay sa ulat hindi pa natutukoy ng militar ang pagkaka- kilanlan ng mga narekober na bangkay.

Dinala na ang mga labi sa isang punenarya sa Iligan City para sa post-mortem examination.

Bukod sa mga bangkay, narekober din ng mga militar ang mga communication item sa loob ng main battle area partikular sa loob ng mosque.

Kabilang sa mga nakumpiska ay mga cellphone, video camera, radio, charger, laptop at binoculars.

Ayon sa militar, gagamitin anila itong ebidensya sa kasong ihahain laban sa Maute group.

Sa pinakahuling tala, umabot na sa siyam-na-raan at limampu’t isa (951) ang nasawi sa bakbakan.

Mula sa kabuuang bilang na 951, pitungdaan at apatnapu’t siyam (749) na ang nasawing miyembro ng Maute, isang-daan at limampu’t lima (155) mula sa hanay ng gobyerno at apatnapu’t pitong (47) sibilyan.

Related Post

This website uses cookies.