ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Dumating ang pamunuan ng Japan International Coorporation Angency (JICA) noong Biyernes, November 4, 2016 sa lungsod ng Ormoc. Ito ay upang daluhan ang ika-25 paggunita sa isang malagim na trahedya (flashflood) na nangyari sa lunsod noong Nobyembre 7, 1991 na ikinasawi ng mahigit kumulang 8,000 Ormocanon.
Ang JICA kailanman ay hindi malilimutan ng mga taga-Ormoc dahil isa ito sa naging kaagapay upang muli makabangon ang mga mamamayan ng lungsod sa matindig pagkalugmok. Pinarangalan at pinasalamatan ng mga Ormocanon ang JICA nitong Biyernes sa session hall ng Ormoc City sa pangunguna ni Mayor Richard I. Gomez. Malaki ang ginampanang papel ng JICA upang magkaroon ng matatag na dike bilang proteksiyon ng ilog na nasa pusod halos ng lunsod.
Kimberly Urboda – Ormoc City, Leyte