2664 tauhan ng MMDA, Itatalaga malapit sa poll centers.

Nagtalaga na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mahigit sa dalawang libong ( 2,000) tauhan para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko sa mga kalsadang malapit sa mga Polling Precinct sa kalakhang Maynila

Bukod sa traffic management ang MMDA Personnel din ang mangangasiwa sa paglilinis sa mga lugar na pagdarausan ng eleksyon

May itatalaga ring mga traffic enforcer sa tanggapan ng Commission On Elections (COMELEC) sa Intramuros, Maynila at sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City kung saan dito bibilangin ng National Board Of Canvassers ang mga boto

Sinabi ni MMDA Chairman Emerson Carlos may mga tauhan din silang ipapakalat sa mga Bus terminal..Pantalan at Exit points patungo at palabas ng Metro Manila gaya ng North Luzon at South Luzon Expressways,Coastal Road, Mcarthur Highway, Marcos Highway, Mindanao Avenue at A. Bonifacio drive

Related Post

This website uses cookies.