SAN FABIAN, Pangasinan (Eagle News) – Matagumpay na nakapagtapos sa pagsubok ng mga awtoridad ang 29 drug surrenderees sa San Fabian, Pangasinan.
Ayon sa mga awtoridad, ang mga surrenderee ay dumaan sa mahigpit at iba’t-ibang uri ng pagsubok hanggang sa napatunayan ang mga ito na tuluyan na silang nagbagong-buhay
“Well, base sa resulta ng ating… yong ginanap na radom drug test dito po sa San Fabian Police Station, so far po ay negative naman ang ating mga personnel. Negative naman yong resulta sa drug test namin”, pahayag ni Senior Insp. Denny Torres.
Nilinaw ng awtoridad na bagamat nakatapos na ang mga ito ay patuloy pa rin na imomonitor ang mga ito sa pang-araw araw nilang mga aktibidad.
Isasailalim din ang mga ito sa dalawang beses na random drug test.
Samantala, buong pagmamalaki na ibinalita ng pamunuan ng PNP San Fabian na nagnegatibo sa droga ang 56 na miyembro nito sa isinagawang random drug test sa mismong station nila.
Ito ay kaugnay pa rin sa kampanya ng administrasyong Duterte na cleansing sa hanay ng Philippine National Police.
“Dito sa kapulisan sa Bayan ng San Fabian, kami po yong nagpapakita na tayo po ay seryoso sa ating kampanya aginst illegal drugs. Ayon na lang sa resulta ng drug test namin lahat naman kami dito sa San Fabian Police Station ay nagnegative sa resulta ng aming drug test ganun dito po sa ating mga nag-undergo na na mga drug surrenderer,” dagdag pa ni Torres.
Hermie Diano – Eagle News Correspondent, Pangasinan