Sa taong ito nagpapatuloy ang adbokasiya ng TOFARM na makatulong sa mga magsasakang Pilipino sa pamamagitan din ng film festival na isasagawa sa ika-12 ng Hulyo.
Sa pamamagitan ng visual media, naipapakita sa publiko ang kahalagahan ng bawat magsasaka sa Pilipinas.
Hindi lamang basta mga pelikula ang ipapakita sa filmfest, na ang huling araw ay ang ika-18 ng Hulyo.
Kakaibang mga pelikula ang ipapakita na umiikot at sentro sa buhay at pamumuhay ng mga taong ang agrikultura ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan.
Ayon sa festival advocate ng TOFARM na si Dra. How, hindi siya titigil sa kaniyang hangarin na makatulong sa mga kababayan nating magsasaka sa paraan na nalalaman niya.
Kaya nga pagkatapos na pagkatapos ng 1st TOFARM song-writing competition, ang pangalawang TOFARM film festival naman ang kanilang pinagkakaabalahan.