TACLOBAN at BILIRAN, Leyte (Eagle News) — Tatlo katao ang naaresto ng National Bureau of Investigation-Anti-Human Trafficking Division sa kasong human trafficking sa Biliran at Tacloban City, Leyte sa isinagawang operasyon noong Pebrero 23 at 24, 2018.
Ang tatlong suspek ay kinilala na sila Renelyn M. Perol, Michelle M. Bayonaco at Ariel V. Geraldo.
Ang kaso ay nakuha mula sa isang impormasyong natanggap na ang suspek na si Renelyn Medella Perol, ay nag-offer ng mga batang babae na Pilipino sa online, para sa mga palabas na nauugnay sa sekswal kapalit ng ilang halaga na maaaring bayaran sa pamamagitan ng mga money remittance center at katulad na mga pamamaraan.
Isinagawa ang magkahiwalay na entrapment operation at rescue operation na pinangunahan ng NBI-Eastern Visayas Regional Office sa pakikipagtulungan sa Tacloban City Police Office, at DSWD matapos makumpirma ang human trafficking.
Ang mga suspek ay kakasuhan ng paglabag ng R.A. 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003) as amended in R.A. 10364 (Expanded Anti-Trafficking in persons of 2012), paglabag sa R.A. 7610 (Espesyal na Proteksyon Laban sa Pang-aabuso sa Bata, Pagsasamantala at Diskriminasyon, at para sa iba pang Mga Layunin) as amended, paglabag sa R.A. 9775 (Anti-Child Pornography Act of 2009), at paglabag sa R.A. 10175 (Ang Cybercrime Prevention Act of 2012) na isinampa sa City Prosecutor, Tacloban City.
(Eagle News Mica Alejandro)