3 opisyal ng PNP, pinagpipilian para maging PNP Chief

INIHAYAG ni President-elect Rodrigo Duterte na nakipagpulong na siya sa tatlong opisyal ng Philippine National Police na pinagpipilian niyang italaga bilang susunod na pinuno ng pambansang pulisya.

Kasama sa kanyang mga kinausap si Police Chief Superintendent Ramon Apolinario na kasalukuyang office-in-charge ng Mimaropa Police, Police Senior Superintendent Rene Aspera na siyang Chief of Staff ng PNP anti- kidnapping group, at ang sinibak na brigade commander ng PNP Reactionary Standby Support Force na si Police Chief Superintendent Ronald Dela Rosa.

Lahat sila ay naging chief of police ng Davao City at pinagkakatiwalaan ni Duterte.

Pero kung seniority ang pagbabasehan, mas bata pa rin ang tatlo sa hanay ng mga opisyal ng PNP.

Gayunman, irerespeto raw ng pamunuan ng PNP kung sino sa tatlo ang itatalaga ni Duterte bilang susunod na PNP Chief.

 

(Eagle News Service)

 

Related Post

This website uses cookies.