MANILA, Philippines (Eagle News) — Tatlo pang mahistrado ng Supreme Court ang nakatakdang imbitahan ng House Justice Committee sa pagpapatuloy ng pagdinig sa determination of probable cause sa reklamong impeachment laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na siya ring tumatayong chairman ng komite, nagkaroon ng pagpupulong ang impeachment team ng Kamara at ito ang kanilang napagkasunduan.
Kabilang sa mga bagong mahistrado na padadalhan ng imbitasyon sina Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Lucas Bersamin at Diosdado Peralta.
Sinabi ni Umali na sesentro ang testimonya ng mga ito sa rules and regulations at procedure ng Supreme Court at ang grounds ng culpable violation of the constitution, graft and corruption at betrayal of public trust.
https://youtu.be/U4s-951LPyQ