30 aftershocks, naramdaman sa Batangas dahil sa 5.5 magnitude na lindol

 

(Eagle News) — Sunud-sunod na aftershock ang naranasan ng malaking bahagi ng Batangas at mga kalapit lalawigan makaraang tumama ang 5.5 magnitude na lindol sa bayan ng Tingloy, Batangas kagabi, Abril 4 sa ganap na 8:58 PM.

Mula sa magnitude 5.4, itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs ang magnitude ng lindol sa 5.5.

Naramdaman ang lindol sa lakas na Intensity V sa Batangas City, Malvar at Calatagan sa  Batangas.

Intensity VI naman sa Makati City, Obando, Bulacan, Imus at  Indang, Cavite, Calamba, Laguna, Sta. Ana, Manila, Valenzuela City at Tagaytay City.

Intensity III  sa Mandaluyong City; Quezon City, Gen. Trias at Dasmariñas, Cavite,  Pasay City at Lucena City.

Intensity II sa Talisay, Batangas at Abra De Ilog, Occidental Mindoro

Hanggang kaninang madaling-araw, nakapagtala ng 30 aftershocks ang Phivolcs  matapos ang  nangyaring pagyanig.

Related Post

This website uses cookies.