MANILA, Philippines (Eagle News) — Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na paparating na ang halos 330,000 metric tons na imported na bigas sa bansa.
Inimport ang bigas mula sa ibang bansa dahil sa minimum access volume at inaasahan na darating ito bago matapos ang buwan.
Kaugnay nito, iginiit ni Roque na hindi na kinakailangan na mag-import pa ng bigas at sinabing mayroong stand by authority ang pamahalaan na mag-import ng aabot sa 250,000 metric tons na bigas kasunod ng mga impormasyon na nagkakaroon ng kakulangan sa suplay nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Samantala, nilinaw naman ni Roque na kinukumpirma pa nila hanggang sa ngayon ang sinasabing verbal order ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatuloy ng importasyon ng bigas.
https://youtu.be/zcnjBb8GIRk