MOLAVE, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Nasa tatlumpung walong kabahayan ang tinupok ng apoy sa Purok African Daisy at Bliss Barangay Culo, sa bayan ng Molave sa Zamboanga del Sur, kung saan tinatayang aabot sa isang milyong piso ang halaga ng mga nasunog na ari-arian.
Kabilang sa mga nasunog ang isang tindahan at tatlumpung mga kabahayan sa lugar.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa isang bahay na pag-aari ni Emelito Edullantes. Hanggang sa kumalat ang apoy sa katabing tindahan at mga kabahayan.
Ayon pa sa BFP, mabilis ang pagkalat ng apoy dahil karamihan sa mga bahay ay gawa lamang sa light materials.
Umabot naman sa dalawang oras ang sunog bago naideklarang fire-out.
Patuloy pang inaalam ng BFP ang sanhi ng nasabing sunog at wala namang nasaktan sa insidente.
(Eagle News Service Ferdinand C. Libor Jr.)