38 na lugar sa Region 1, isinailalim sa areas of immediate concern ng COMELEC

Tatlumpu’t walong  bayan at lungsod sa Region 1 ang  isinailalim sa areas of immediate concern ng Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa May 9 national and local elections.

Ayon kay Atty. Julius Torres, Comelec Regional Director, kabilang dito ang labinlimang bayan sa lalawigan ng Pangasinan

Sampu sa  bayan ng  Ilocos Norte, pitong bayan sa Ilocos Sur, at na anim na bayan sa La Union.

Ang mga naturang lugar ay may history ng ilang insidente ng karahasan na may kaugnayan sa eleksyon.