(Eagle News) — Muling sinuspinde ng Office of the Ombudsman ang apat na commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Sa 14 na pahinang resolusyon, iginiit ng Ombudsman na “guilty” sina ERC Commissioners Gloria Victoria Yap-Taruc, Alfredo Non, Josefina Patricia Asirit at Geronimo Sta. Ana sa pagpapahintulot o pagbibigay ng kapangyarihan sa Meralco na gumamit ng pondo sa electric bill deposits ng kanilang consumers upang tugunan ang kanilang operasyon.
Matatandaang nais paabutin ng Ombudsman ng isang taon ang suspensyon sa apat na ERC commissioners noong December 2017, ngunit nag-isyu ang Court of Appeals (CA) ng injunction order upang makabalik sila sa kanilang pwesto noong Abril.