MANILA, Philippines (Eagle News) — Kanya-kanyang dahilan ang apat na nahuling fixer ng pasaporte sa tanggapan mismo ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Pasay City.
Nahuli ang apat kamakailan matapos isagawa ng NBI-Anti-Organized Transnational Crime Division ang isang entrapment operation.
Modus ng grupo na agad lalapitan ang isang nag-a-apply ng passport at mag-aalok ng mas mabilis na proseso kapalit ang ang halagang P1,500.
Isang Peter umano ang contact ng mga fixer sa DFA, pero sa beripikasyon ng NBI hindi empleyado ng DFA si Peter o Pedro Abulencia, tunay na pangalan na kasama sa apat na nahuli ng NBI.
Dinampot din ng NBI ang mga kasamahan nito na sina Marlon Fria, Hernandez Eddie Boy Awaao at Lito Awaao.
Muling paalala ng NBI sa publiko na huwag pumatol sa mga fixer at makipag-usap lamang sa mga lehitimong kawani ng DFA upang makaiwas na mabiktima ng mga kauri nito.
“We advise the public to deal only with legitimate DFA officials. There is an ongoing investigation whether some enterprising individuals bought blocks of lots and sold (these) to a syndicate,” paalala ni NBI, deputy director Atty. Ferdinand Lavin.
Samantala, attempted estafa naman ang kinakaharap na kaso ng mga suspect. Mar Gabriel