4 na pulis patay sa ambush sa Bansalan, Davao, isa pa sugatan

BANSALAN, Davao del Sur (Eagle News) – Apat na pulis ang namatay at isa ang sugatan sa nangyaring ambush nitong Miyerkules ng umaga, March 8 sa Barangay Sibayan, Bansalan, Davao del Sur.

Ayon kay PCI Adrian Antonio, Hepe ng Bansalan Philippine National Police, sila ay inambush ng pinaniniwalaang grupo ng mga New People’s Army (NPA) sa nabanggit na lugar.

Ang mga biktima ay kinilalang sina PO1 Rolly Benelayo, PO1 Joe Narvaza, at PO1 Saro Mangutara na pawang mga miyembro ng Bansalan Municipal Police Station. Ang isa pang namatay ay si PO3 Jayden May Rabor ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) habang isa naman ang sugatan.

Dagdag pa ni Antonio, rumesponde lamang ang mga pulis sa report ng kapitan sa naturang barangay kaugnay sa dalawang indibidwal na pinatay nang paulanan sila ng bala habang sakay ng patrol car.

Patuloy pa ang isinasagawang hot pursuit operation ng mga operatiba sa mga rebeldeng grupo na responsable sa nasabing krimen.

Photo curtesy: Joy Kilam at Ronnie Jhun Dico Otero

Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City

 

 

Related Post

This website uses cookies.