4 na reklamo vs De Lima, dedesisyunan na ng DOJ

MANILA, Philippine (Eagle News) — Dedesisyunan na ng Department of Justice (DOJ) ang apat na reklamong  isinampa laban kay Senadora Leila De Lima.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, sakaling lumabas na may probable cause para kasuhan si De Lima ay agad nila itong isasampa sa Office of the Ombudsman para sa kaukulang review.

Sinabi ni Aguirre na ang mga kaso ay may kaugnayan sa koneksyon ni De Lima sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP) na isinampa ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Aniya nasa kamay na ng Ombudsman kung makakakita sila ng sapat na basehan para kasuhan si De Lima sa Sandiganbayan.

Samantala, isusunod agad ng DOJ panel ang kaso laban kay De Lima at Kerwin Espinosa.

Gayunman, posible aniyang si De Lima lamang ang matira sa kaso dahil posibleng gawin nilang state witness si Espinosa.

Related Post

This website uses cookies.