MANILA, Philippines (Eagle News) — Wala umanong dahilan para mag-inhibit ang apat na mahistrado ng Korte Suprema sa gagawing oral arguments ukol sa inihaing quo warranto case laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Attorney Larry Gadon, complainant sa impeachment laban kay Sereno, walang grounds para mag-inhibit sina Associate Justices Diosdado Peralta, Francis Jardeleza, Noel Tijam at Lucas Bersamin na sinasabing hindi magiging patas sa pagdedesisyon sa usapin.
Una rito hiniling ng kampo ni Sereno na mag-inhibit ang nasabing mga mahistado dahil sa kanilang ginawang pagtestigo sa pagdinig ng House Committee on Justice sa impeachment laban sa punong mahistrado at kabilang din sila sa nanawagan ng pagbibitiw nito.
Pagpapatawag kay CJ Sereno ng SC, pinaburan ni Atty. Gadon
Pabor naman si Gadon sa pagpapatawag ng Korte Suprema kay Sereno para personal na humarap sa oral argument.
Sa Baguio City gaganapin ang oral argument na itinakda sa susunod na Martes, Abril 10.
Pagnanais nina sen. De lima at Sen. Trillanes na mag-intervene sa quo warranto petition, walang legal basis
Wala namang nakikitang legal basis ang abugado para mag-intervene sa quo warranto case sina Senators Leila De Lima at Antonio Trillanes.
(Eagle News Service Meanne Corvera)