4 respondents na naghain ng disqualification cases kay Poe, sumalang sa oral argument ng SC

Itinuloy ng Korte Suprema ang ikalimang oral argument sa kasong diskwalipikasyon ni Sen. Grace Poe.

Pero bago ang ang pagtatanong ng mga mahistrado kay Comelec Commissioner Arthur Lim, pinaharap muna isa-isa ang apat na pribadong respondent na naghain ng kaso laban kay Poe para maglahad ng kani-kanilang argumento.