(Eagle News) — Pinag-aaralan na ang posibleng pagbubukas sa publiko sa umaabot na apat na pung kuwebang nadiskubre ng mga dayuhang mananaliksik sa Region 2.
Ito ay matapos isumite ng Bristol Exploration Club na nakabase sa United Kingdom ang kanilang natuklasan na karagdagang apat na pung kweba sa rehiyon na karamihan ay matatagpuan sa Cagayan.
Kaugnay nito, dadaan sa klasipikasyon ang mga naturang kuweba batay sa nakapaloob sa Cave Conservation Act bago ito buksan sa publiko para sa turismo.
Ang Cave Committee na binubuo ng Local Government Units, Non-Government Organizations, at Department of Environment and Natural Resources ang siyang gagawa ng rekomendasyon para rito.
Isang halimbawa rito ang nadiskubreng kuweba sa Blue Water na matatagpuan sa bayan ng Baggao, Cagayan subalit hindi pa umano ito maaaring buksan sa publiko para sa kanilang kaligtasan.