Tinatayang 400 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong ang inaasahang magtatapos ng kursong Financial Education at Entrepreneurship sa susunod na buwan.
Ito ay sa tulong ng Alalay Sa Kaunlaran, Inc. o ASKI Global Limited na naka-base sa Singapore, isang non-government organization at naglilingkod sa mga maliliit na negosyo.
Ayon kay Rolando Victoria, Executive Director ng Aski, binibigyang halaga nila ang pagsisikap ng mga manggagawang Filipino sa ibayong dagat kung kaya’t tinuturuan sila sa pagnenegosyo.