Eagle News — Pinangunahan ni Major General Angelito De Leon, Commander ng 7th Infantry Division ng Philippine Army ang mga siklista sa 52 kilometrong Fun Bike na tinaguriang “Kaugnay Fun Bike 2016” bilang paggunita sa ika-28 Founding Anniversary ng naturang dibisyon ng Army.
Nagsimula ang ruta ng mga siklista sa Fort Magsaysay, naglakbay patungo sa Gen. Tinio, Peñaranda, San Leonardo Diversion Road, Sta. Rosa Bypass Road, Vergarda Highway Bypass Road, Laur-Pag-asa Junction, pagkatapos ay bumalik sa Fort Magsaysay sa Headquarters 7ID.
400 katao ang nakipagpadyakan kasama ang mga sibilyan at ang mga tropa ng Special Operations Command (SOCOM), Army Artillery Regiment, Army Aviation Battalion, at ang Mechanized Infantry Division, kasama ang kanilang mga pinuno.
Kasama ding nagbigay ng suporta at pumadyak ang dating Commanding
General ng Philippine Army, na si Ret. General Arturo Ortiz.
Courtesy: Emil Baltazar – Nueva Ecija Correspondent