(Eagle News) — Nakatakdang magpadala ng apat-na-raang (400) sundalo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa lalawigan ng Pampanga upang tumulong sa depopulation ng mga manok na apektado ng bird flu.
Kasunod na rin ito ng request na ipinadala ng Department of Agriculture (DA) sa AFP kaugnay ng paghingi ng karagdagang tauhan para tumulong sa pag-execute sa mga manok.
Ayon kay AFP Public Information Chief Col.Edgard Arevalo, magmumula sa Northern Luzon Command ang mga sundalo na ipadadala sa Pampanga.
Bago ito, sasailalim daw muna sa briefing ng DA ang mga sundalo bago isabak sa trabaho.