4,000 drug users at pushers ang sumuko sa Tagum City

By Zen Tambioco
Eagle News Service Davao

 

TAGUM City, Davao Del Norte (Eagle News). Apat na libong drug users at pushers ang sumuko sa Tagum City dahil sa mas pinaigting na kampanya ng syudad laban sa droga na tinawag nilang “Seryosong Tagumenyo Ayaw ng Droga” o STAnD. Pinapangunahan ng alkalde ng Tagum City na si Mayor Allan L. Rellon ang nasabing kampanya.

Suportada rin ni Davao North Provincial Governor Anthony G. Del Rosario ang kampanyang STAnD ng Tagum City. Ayon sa kanya, nito lamang raw umaga ng Jul.9, nasa 2,500 katao ang sumuko sa mga otoridad sa probinsya ng Davao North.  Maliban pa ito sa 4000 taong sumuko na mula lahat sa Tagum.

Isinagawa ang launching ng INTENSIFIED ANTI ILLEGAL DRUGS CAMPAIGN ng Tagum City ngayong Sabado, Hulyo 9, sa City Hall. Sa programa, hinikayat ni Gov. Del Rosario ang mga mamamayan sa buong probinsya na makiisa at tumulong sa gobyerno bago umano mapilitan ang mga otoridad na gawin ang nararapat para sa mga taong patuloy ang paglabag. Nagkaroon rin ng pledge of allegiance ng mga sumuko bilang suporta sa Oplan Tokhang/Taphang na sinimulan ni President Duterte.

Matatandaan na noon lamang June 29, 2016 nasa 4,000 drug users/pushers ang sumuko rin sa mga awtoridad sa Region 12. Mula sa mga ito, 2490 katao ang nagmula sa South Cotabato, 1342 ang nagmula sa Sultan Kudarat, 114 sa Central Mindanao at 12 naman mula sa North Cotabato.

Inaasahan na ang mga taong sumuko sa awtoridad ay tutulungan ng gobyerno makapagbagong buhay sa pamamagitan ng rehabilitasyon at iba pang programa.

(Photos by Ruel Dagsangan, Jeanevive Duron)

 

851419490_121024_10284736288792868318 851419774_121810_5244249303612735734 851422250_120513_17966649386921626027 851422984_122098_4413736870125615169 851423202_121824_17230063564614533497 851423242_120571_17381900852513424236 851423359_120540_17979469306265576063