429,485 katao, naapektuhan ng Bagyong ‘Nina’ sa apat na rehiyon – NDRRMC

(Eagle News) — Nasa dalawampu’t anim na pamilya ang naitalang naapektuhan ng bagyong nina sa Calabarzon, Mimaropa at Regions 5 at 8.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang nasabing bilang ay katumbas ng nasa mahigit apat na rang libong indibidwal mula sa tatlongdaan at walumpu’t apat na barangay sa mga nabanggit na apektadong rehiyon.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, patuloy pang inaalam ang kabuuang halaga ng mga nasirang ari- arian, imprastraktura at nasawi sa bagyo.

https://youtu.be/25Xm_U4EUCQ