42nd Commencement Exercises ng New Era University, isinagawa sa Philippine Arena

 

By Judith Llamera
Eagle News Service

(Eagle News) — Magkahalong saya, kaba at excitement ang makikita sa mga magulang at mga mag-aaral ng New Era University na nagsipagtapos ngayong araw sa Philippine Arena.

Ito ang 42nd Commencement Exercises ng NEU na may temang “Onwards to Further Victories in Serving Humanity.”

Ang mga mag-aaral, hindi raw mailarawan ang kanilang emosyon lalo na at ang iba sa kanila ay naranasang maging working students maitaguyod lang ang kanilang pag-aaral.

Hindi rin maipaliwanag ng mga magulang ang kanilang nararamdaman lalo na at karamihan sa kanila, iginapang ang kanilang mga anak upang makapagtapos ng pag-aaral.

Bago ang seremonya, isang video presentation muna ang ipinalabas. Ipinakita rito ang ilang graduates na nagbigay ng kani-kanilang maikling kwento ukol sa kanilang naging karanasan sa pag-aaral na talaga namang pumukaw sa damdamin ng audience.

Nasa mahigit dalawang libong mag-aaral ng NEU ang nagsipagtapos mula sa Bachelor Degrees, Master’s Degrees at Doctoral Degrees.

Samantala, naging Commencement Speaker naman sa Graduation Rites si Senate Committee on Justice and Human Rights Chairman Richard Gordon.

Ayon kay Senator Gordon, may malaking oportunidad daw ang mga graduates. Huwag aniya silang maghintay lang kundi magkaroon din ng hangarin at kumilos.

Inihalimbawa pa niya ang Bocaue, Bulacan na noon ay wala halos na mga establisimyento na nakatayo. Pero simula noong 2012 ay napuno na rin ng mga imprastraktura at mga oportunidad.

Payo niya sa mga mag aaral, i-decongest ang Maynila at dalhin ang oportunidad sa ibang lugar.

Katulad aniya ng pagtatayo ng Kapatid na Eduardo Manalo ng Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan na gaya ng Araneta Coliseum sa Cubao.

Kaya naman kayang-kaya rin aniya ng mga graduate na ito na makalikha ng maraming oportunidad at trabaho.

Kaugnay ng tema ng NEU na Onwards to Further Victories of the Church. Ang payo ni Gordon sa mga mag-aaral ay huwag kalimutang pahalagahan ang mga taong mahihirap (vulnerable).

Gaya aniya ng humanitarian, ibinahagi ng Senador ang tinatawag na  4Ps, ito ang Predict , Plan, Prepare and Practice.