(Eagle News) — Balik-kulungan na ang apatnapu’t tatlong (43) preso na kabilang sa isang daan at limampu’t-walong (158) bilanggong una nang nakatakas mula sa North Cotabato District Jail.
Ayon kay Provincial Police Director Senior Superintendent Emmanuel Peralta, 43 sa mga inmates ay nahuli habang walo ang napatay at dalawa naman ang malubhang nasugatan at kasalukuyang nasa ospital.
Dahil rito, isang daan at limang (105) inmates pa ang nananatiling pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad.