43rd Commencement Exercise ng NEU-College level, isinagawa rin sa PHL Arena

(Eagle News) — Nasa mahigit na 2,700 na college students ng New Era University mula sa iba’t ibang kurso at NEU branch ng Batangas at Pampanga ang sumalang sa graduation ceremony nitong Miyerkules, Abril 25, na ginanap sa Philippine Arena sa Ciudad De Victoria sa Bulacan.

Aypn kay Atty. Danilo Concepcion, presidente ng University of the Philippines, ang pagtatapos ng pag-aaral ay hindi ordinaryong yugto sa buhay ng isang tao.

Ito aniya ang araw kung saan magugunita ang ilang taong pagpapagal, sakripisyo sa pagtuklas ng kaalaman.

Isa sa mga grumaduate ay si Eagle News Service na reporter na si Earlo Bringas, na nagtapos ng kursong Mass Communication.

Pinagsabay ni Bringas in ang pag-aaral at pagiging news reporter

Tinanghal naman na  Magna cum laude si Rosalie Ann Oprin Bolo ng BS in Psychology. Gerald Ranez

Related Post

This website uses cookies.