48.4 degree Celsius na heat index naitala sa Calapan City kahapon

(Eagle News) — Naitala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pinakamataas na temperatura at heat index sa iba’t-ibang bahagi ng bansa kahapon, Mayo 8.

Nai-record ng PAGASA ang pinakamainit na temperatura sa Tuguegarao City na umabot sa 37.7 degrees Celsius, habang 37.6 degrees Celsius naman ang naitala sa Cabanatuan City; at 36.7 degrees Celsius naman sa Ambulong, Batangas.

Naitala naman ang pinakamataas na heat index kahapon sa Calapan City, Oriental Mindoro sa 48.4 degrees Celsius; 45.9 degrees Celsius na heat index naman sa Surigao City at parehong naitala sa 44.3 degrees Celsius ang heat index sa Cabanatuan City at Sangley Point sa Cavite.

Ngayong araw, magpatuloy na mararanasan ang maalinsangan at mainit na panahon sa buong bansa dahil sa umiiral pa ring ridge of high pressure area (HPA) sa buong Luzon.

Nakakaapekto naman sa nalalabing bahagi ng bansa ang easterlies.

Related Post

This website uses cookies.