(Eagle News) — Nagpahayag ng pagkabahala ang mga parent leader at mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o Conditional Cash Transfer (CCT) sa balak ni incoming President Rodrigo Duterte na ibigay sa Communist Party of the Philippines (CPP) ang posisyon sa Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Agrarian Reform (DAR).
Anila, kontra ang mga miyembro ng CPP sa pagpapatuloy ng CCT program dahil naniniwala umano ang naturang grupo na walang kabuluhan ang naturang programa.
Mariin naman itong tinutulan ng mga benepisyaryo ng CCT dahil halos dalawang milyong Pilipino na anila ngayon ang nakatawid mula sa kahirapan dahil sa naturang programa.
Kaugnay nito, nanawagan ang CCT kay Duterte na tuparin anila nito ang isa sa kanyang mga pangako para sa mga programang pang-ekonomiya at pagpapatuloy at pagpapalawak sa CCT program.