Isang magnitude 5.6 na lindol ang muling yumanig sa northeastern Japan.
Naganap ito, dalawang araw pa lamang ang nakalilipas makaraang tumama sa naturang rehiyon ang malakas na magnitude 6.9 na lindol na nag-generate ng lokal na tsunami.
Nilinaw naman ng Japan Meteorological Agency na walang panganib na masundan ng tsunami ang kagaganap na lindol.
Ang lindol ay naramdaman alas sais beinte tres ng umaga –oras sa Japan.
Ang epicenter nito ay sa layong 210 km sa hilagang silangan ng Tokyo, Japan.