5 coastal areas, nagpositibo sa red tide

(Eagle News) — Ilang lamang dagat mula sa limang costal area ang nagpositibo sa paralytic shellfish poison o red tide.

Sa abisong inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, apektado ng red tide ang mga sumusunod na lugar:

  • Biliran Province
  • Bayan ng Leyte sa probinsya ng Leyte
  • Lianga Bay sa Surigao Del Sur
  • Dauis at Tagbilaran City Sa Bohol
  • Puerto Princesa Bay at Honda Bay sa Puerto Princesa City sa Palawan

Ang abiso ay kasunod ng lumabas na laboratory test na isinagawa ng BFAR at mga ang local government unit.

Pinag-iingat naman ng BFAR ang publiko sa pagkain ng isda, squids, hipon at alimango at sinabing hugasan at iluto ng mabuti ang mga ito.

Pinaiiwas din ng BFAR ang pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at alamang na galing sa mga nabanggit na lugar dahil maaari itong magdulot ng gastrointestinal at neurological illness.

Related Post

This website uses cookies.