LAKE SEBU, South Cotabato (Eagle News) – Hinarang ng mga otoridad ang isang grupo ng mga dayuhang aktibista sa Lake Sebu sa South Cotabato.
Layon sana ng mga nasabing dayuhan–Julie Jamora, Dina Anderson, Jamy Drapeza, Adam Shaw, at Tawanda Chandiwanda—ang magsagawa ng fact-finding mission tungkol sa napabalitang massacre sa siyam na sibilyan sa nasabing bayan noong Disyembre nang nakaraang taon.
Ayon kay South Cotabato Gov. Daisy Avance-Fuentes, nakasakay ang pawang mga miyembro ng Gabriela Network USA Chapter sa isang truck nang parahin sila ng mga pulis sa isang checkpoint sa Brgy. Palian, Tupi dahil sa kakulangan ng identification at travel documents.
Galing umano sa Lake Sebu ang grupo at dinala sa Department of Foreign Affairs at Bureau of Immigration na parehong nasa General Santos City.