Ni Mar Gabriel
Eagle News Service
(Eagle News) — Matapos ang halos isang taong pagkakawalay sa kanilang mga magulang muling nakasama nina alyas Jomar at alyas Boni ang kanilang ama at ina.
Kasama sila sa mga kabataang lumad mula sa San Fernando, Bukidnon na nirecruit ng rebeldeng grupong New People’s Army at dinala Abra.
Itinurn-over sila sa militar ng mga lokal na opisyal sa probinsya makaraang makatakas mula sa kampo ng Kilusang Larangan Abra.
Pinakamatanda sa grupo ang 19 na si alyas Macoy.
Kuwento nya Agosto noong nakaraang taon, nang hikayatin sila ng kababayang si Jeffrey Mandagit alyas Jimboy na lumuwas sa Maynila
Pinangakuan daw sila ng trabaho sa pigerry na may walong libong pisong sweldo kada buwan.
Pero pagdating sa Maynila, sa IP Village sa UP Diliman daw sila dinala ni Jeffrey at doon isinama sa mga kilos protesta.
Paglipas pa ng ilang lingo, dinala na raw sila sa Abra.
Dito na raw sila tinuruan na humawak at gumamit ng baril.
Nang minsang mautusan para mag-igib ng tubig, dito na raw sila nakakuha ng tyempo na tumakas.
Bagaman itinurn over na sa kanilang mga magulang ang dalawang menor de edad, tiniyak naman ng AFP ang kanilang seguridad.
Ang tatlong naiwan, mananatili raw muna sa kampo ng AFP habang hinahanap pa ang kanilang mga kaanak.
Ayon sa AFP, 27 sa 44 na miyembro ng Kilusang Larangan Abra ay pawang mga indigenous people mula sa Mindanao.