50 million pesos na ang pabuya, para patayin ako at si President-elect Duterte – Dela Rosa

Screen shot 2016-06-09 at 9.23.41 PM(Eagle News) — Isiniwalat ni Philippine National Police (PNP) incoming Chief  PC/Supt. Ronald dela Rosa na itinaas na umano sa 50 milyong piso mula sa dating 10 milyong piso ang pabuya para patayin siya at si President-elect Rodrigo Duterte.

Sa kabila nito, tumanggi si Dela Rosa na pangalanan ang mga taong nasa likod ng nasabing plano.

Tiniyak naman ni Dela Rosa na sa kabila ng mga pagbabanta ay patuloy aniya ang kanilang pag-aksyon sa mga sangkot sa sindikato ng ilegal na droga.

Nagpahayag din ang opisyal na handa aniya ang buong pwersa ng pulisya para sa implementasyon ng kampanya ni Duterte na sugpuin ang illegal drugs sa loob ng anim na buwan.