Sa kabila nito, tumanggi si Dela Rosa na pangalanan ang mga taong nasa likod ng nasabing plano.
Tiniyak naman ni Dela Rosa na sa kabila ng mga pagbabanta ay patuloy aniya ang kanilang pag-aksyon sa mga sangkot sa sindikato ng ilegal na droga.
Nagpahayag din ang opisyal na handa aniya ang buong pwersa ng pulisya para sa implementasyon ng kampanya ni Duterte na sugpuin ang illegal drugs sa loob ng anim na buwan.