500 pamilya at mahigit 100 drug surrenderees sa Oriental Mindoro tumanggap ng gamit pansaka

1eae946e-6779-4383-9b9d-9dde6c7b17c6

GLORIA, Oriental Mindoro (Eagle News) – Limang daang pamilya at mahigit isandaang drug surenderees ang tumanggap ng mga gamit para sa pagsasaka. Ito ay sa ilalim ng programa ng  National Anti-Poverty Comission na Community Production (NAPC).

Ang programa ay may temang “Pagkain ni Boss” na kung saan ang mga benepisaryo ay nabilalang sa pamilyang nakararanas ng kahirapan at may malnourished na mga anak. Layunin ng programa na makapagtanim ng gulay na nasa kantang ‘Bahay Kubo.’ Makapag-alaga din ng mga hayop bilang pagkain ng mga benepisaryo.

Samantala, maliban sa programang Pagkain ni Boss, nagpapatuloy din ang pagsasagawa ng libreng artificial insemination para sa buffalo at baka ng Municipal Agriculture Office sa Gloria, Oriental Mindoro bilang implementing agency ng mga nasabing programa.

Sinabi ni Municipal Agriculturist Officer August Mantaring na malaking tulong ito sa mga nag-aalaga ng hayop dahil nasisiguro nito ang kalusugan at magandang lahi ng buffalo.

Melani Lagrana – EBC Correspondent, Oriental Mindoro