54,657 evacuees sa Albay, pinauwi na

(Eagle News) — Nasa 54,657 evacuees sa Albay ang bumalik na sa kani-kanilang bahay matapos ibaba ang alert level ng bulkang Mayon.

Ipinag-utos ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) ang decampment ng mga evacuee na nakatira sa mga bayan ng Guinobatan, Camalig, Daraga, Bacacay, Malilipot, Sto. Domingo at mga siyudad ng Ligao, Legazpi at Tabaco.

Nilagdaan ang kautusan mismo ni Albay Governor Al Francis Bichara.

Nasa 2,665 pamilya o 10,836-katao ang mananatili pa rin sa mga evacaution center hangga’t hindi ibinaba ng Philippine Institute Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa alert level 2 ang Mayon.

Ang tirahan ng mga nabanggit na pamilya ay nasasakop ng six-kilometer radius permanent danger zone.