6 na miyembro ng pamilya patay sa massacre sa Zamboanga del Norte; suspek, arestado

Ni Ely Dumaboc
Eagle News Correspondent

SIRAWAI, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Naging madugo ang linggo para sa bayan ng Sirawai, Zamboanga del Norte, matapos patayin ng isang isang lalaking lango sa shabu ang anim na miyembro ng ng isang pamilya sa Brgy. Libucon, Sabado ng hapon, April 14.

Hindi agad nagsalita ang Zamboanga Peninsula PNP kauganay sa madugong atake sa Zamboanga del Norte. Sa panayam ng newsteam kay Libucon Brgy. Captain Mahari Abdullah, sinabi nitong inabutan ng kaniyang mga tanod ang suspect na nag-iwan ng isang bangkay na bata na may 10 taong gulang sa quarrying area ng barangay, kaya hinawakan nila kaagad ang suspect.

Agad ding hinuli ng mga barangay opisyal ang suspect na nakilalang si Asdal Untong at dinala ito sa himpilan ng pulisya sa Sirawai Municipal Police Station. Pinuntahan ng pulis at mga barangay opisyal ang bahay ng pamilya Hali, kung saan nakatira ang 10 taong gulang na batang napatay.  Laking gulat nila na patay na rin pala ang lahat ng miyembro ng pamilya Hali.

Patay din sa pananaga ang ama ng tahanan na si Majid Hali, 35 taong gulang, ang pamangkin nito na si Sayder Wahid, 11 taong gulang, at ang anak na si Nazer Hali, 10 taong gulang, at kapatid nito na si Adzmar Hali, 7 taong gulang. Itinapon din ng suspek sa quarying area ang pamangkin ng biktima na si Mohamad Said Mukaram, 7 taong gulang.

Ikinulong sa selda ng pulis ang suspect na si Asdal Untong na sabog pa rin umano sa shabu. Nagpaalam pa umanong pupunta sa CR ang suspek pero tumakbo na ito papalayo sa istasyon ng pulis.

Ayon kay Sr. Inspector Pocholo Rolando Guerero, Hepe ng Sirawai PNP, inabutan ng mga pulis si Asdal sa may coastal area ng nasabing bayan kaya nabaril ito matapos agawin ang baril ng isang rumespondeng pulis. (Eagle News Service)

 

Related Post

This website uses cookies.