BIÑAN City, Laguna (Eagle News) – Anim na police officers sa Calabarzon region na nadawit sa illegal na droga ang pinalilipat sa Marawi City na parte ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ayon kay Police Director Chief Superintendent Ma-o R. Aplasca, ang anim na Police Officers ay sina Chief Inspector Michael Angeles, na nakatalaga sa Directorate for Police Community Relations, at Chief Inspectors Crisanto Bagadiong, Christopher Cabugwang, Joseph Macatangay, Ronald Zamora at Police Officer (PO 1) Jefferson Monteras, na mga pawang nakatalaga sa Rizal Provincial Police Office.
Dagdag pa ni Aplasca, ang mga nabanggit na pulis ay pinangalanan ni PO1 Fernan Manimbo ng Teresa Municipal Police kay Philippine National Police Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ng bumisita ito sa bilangguan noong nakaraang linggo.
Si Manimbo ay inaresto sa isang drug buy-bust operation sa Barangay Bagumbayan, Teresa, Rizal kung saan nahulihan siya ng pagpapasa sa awtoridad ng dalawang plastic bag na naglalaman ng 20 sachet na pinaghihinalaang shabu.
Tinatayang nagkakahalaga ito na Php 200,000 pesos.
Base sa pinag-uutos ni Gen. Dela Rosa, ang nabaggit na anim na pulis ay ililipat sa Marawi City sa halip na mapunta sa Basilan Province.
Ang Marawi City ay kasalukuyang nasa gitna ng bakbakan ng tropa ng pamahalaan at Maute Group simula pa noong Martes ng hapon (Mayo 23).
Willson Palima – EBC Correspondent, Laguna
Courtesy: PIO/PNP Calabarzon