6 na water tanker ipinakalat ng PRC sa mga ospital sa Metro Manila — Gordon

(Eagle News) — Anim na water tanker  ang ipakakalat sa mga ospital sa Metro Manila ng Philippine Red Cross (PRC).

Ito’y matapos humingi ng katiyakan ang Department Of Health(DOH) sa mga water service provider na hindi magkakaroon ng krisis sa tubig sa mga pagamutan.

Ayon kay PRC Chairman  Sen. Richard Gordon, maaari silang makatulong sa pangangailangan sa tubig sa mga ospital dahil sa kanilang mga water tanker na kayang maka-suplay sa high pressure water system.

Kasabay nito tiniyak ni Gordon na patuloy nilang tutulungan ang mga ospital hanggang sa maging maayos na ang nararanasang problema sa tubig sa NCR.

 

Related Post

This website uses cookies.