60 barangay officials na nasa narco list, nanalo sa katatapos na eleksyon

(Eagle News) — Animnapung opisyal ng barangay na kabilang sa narcolist ang nanalo sa katatapos na barangay elections.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino, mula sa 207 barangay officials na umano’y sangkot sa iligal na droga, 36 na kapitan ng barangay at 24 na kagawad ang nanalo sa May 14 barangay elections.

Partial pa lamang aniya ito at hindi pa nakukumpleto sa Region 5 at Caraga.

Sabi ni Aquino, ang mga nasabing opisyal ng barangay  ay gumamit ng “massive vote buying” gamit ang drug money para manalo.

Hihilingin aniya nila sa Philippine National Police (PNP) na isailalim ang mga ito sa Oplan Tokhang.

Patuloy rin na imo-monitor ng PDEA ang aktibidad ng mga ito at magsasagawa ng “negotiation operations.”

Nanalo man o natalo, itutuloy aniya ng ahensya ang pagsasampa ng kaso laban sa mga narco-barangay official.

 

Related Post

This website uses cookies.