CAMARINES NORTE, Bicol (Eagle News) — Naglaan ang Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) ng mahigit sa 7.1 milyong piso para sa Training for Work Scholarship Program (TWSP) at Private Education Student Financial Assistance (PESFA) para sa ikalawang semestre ng 2016 sa lalawigan ng Camarines Norte.
Ayon kay TESDA Camarines Norte Provincial Director Conrado E. Maranan Jr., na sa kabuuang pondo ay mahigit sa P5.7 milyon ang inilaan para sa TWSP at P1.4 milyon naman ang para sa PESFA.
Ang 805 na mga mag-aaral naman para sa TWSP ang maaaring mag-enroll alinman sa mga sumusunod;
- Trainer’s Methodology Level I
- Motorcycle/Small Engine Servicing II
- Electronics Products Assembly Servicing II
- Computer system Servicing II
- Automotive Servicing NC I
- Electrical Installation and Maintenance
- Shielded Metal Arc Welding NC I
- Visual Graphics Design NC III
- 2D Animation NC III
- Food and Beverage Services NC II
- Tourism Promotion Services NC II
- Front Office Services NC II
- Housekeeping NC II
Para sa PESFA ay 148 naman ang mapagkakalooban ng training, daily allowance, free competency assessment at book allowance. Maaari nilang kunin alin man sa mga sumusunod;
- Computer System Servicing NC II
- Bread and Pastry Production NC II
- Electronic Products Assembly Servicing NC II
- Shielded Metal Arc Welding NC I.
Nasa 17 paaralan ang accredited ng TESDA sa Camarines Norte para sa Training for Work Scholarship Program (TWSP) at 5 naman para sa Private Education Student Financial Assistance (PESFA). Ang mga kwalipikado para sa scholarship na ito ay ang mga pasado sa pamantayang itinakda ng TESDA.
Sinabi pa ni Maranan na ang makapapasa sa competency assessment ay maaaring makapagtrabaho kahit sa ibang bansa. Patuloy din nilang hinihikayat ang lahat ng enteresadong mag-aral para sa susunod na semestre na sumangguni sa tanggapan ng TESDA.
Courtesy: Nathaniel alfonso